image
image image image image
Friday, May 25, 2007
butch

well.. medyo kahapon... na-experience ko na ang worst 24-hour interval [naks.] ng buhay ko... yet.


1:00 am... well.. wala na kong magawa sa internet kaya naglaro na lang ako ng games... err.. naglaro ako ng prince of tennis sa visual boy advance :D tas yun... medyo nabbore na ko sa baboy na normal level.... so nagtry ako ng hard... tas yun... naglaro ako ng doubles... tas baboy... ang hirap... x___X grabe... parang bleh bleh lang... kahit na nagssave thing na ko... nabwiset pa rin ako sa sobrang hirap... grrr.. tas nakatapos ako ng isang match after 1 hour.. grabe... sobrang tagal... tapos nun natulog [or at least nagtry matulog] na ko kasi may nakuha akong text nung time na yun.. na may shooting sa pisay nang 8:00 am the next day [or technically, nung day na yun]..

2:00 am... shoot. di ako makatulog sa sobrang irita sa laro... ewan ko ba... ang gulo... so yun... nagmoment na lang muna ako sa kama hanggang makatulog [nyek. xD]...

2-5:00 am... grrrr.. di ako makatulog nang dire-diretso.... ang ginaw... tas nakakatamad hinaan/baguhin yung direction ng electric fan.. xP err. so pagising-gising ako nung night/morning na yun...

7:00 am... nagising ako nang inaantok-antok pa... pero kelangan kong gumising para sa shooting.. tas yun... tas nalaman ko na lang na wala pa pala akong polo... err.. kaya kinuha ko sa sampayan yung tuyo kong polo at ippa-iron ko sana kse di pa ako marunong pero aalis na pala mom ko... grrrr.... >:/ .. kaya yun, ako na lang nagplantsa... hmf.

7:30 am.. tapos ko na plantsahin yung polo ko [grr. natagalan pa ko] .... pagkatapos nun, naligo na ko...

8:00 am.. balak kong magpa-late... kasi naman.. nung last time... 7:00 akong nasa school tas 10 nagstart... x__X so.. nagrest muna ako nang saglit...

8:30 am... hihingi na dapat ako ng baon sa dad ko... kaya lang umalis na pala sya... ughh... so yun.. ako na lang muna ang nagbigay ng baon at pamasahe sa sarili ko... -__- tapos nun.. nung umalis na ko... pagkaabot ko sa up... sumakay ako sa jeep na 'pantranco' instead na 'sm north' kse puno na yung jeep na yun.. tapos nun, nagbayad na ko tas sabi ko naman "sa may veterans po" ... ack... tas bigla ko na lang naalala na sa pantranco pala ako nakasakay at hindi yun dumadaan dun.. ha... yung sm north yun... agh... tas yun.. sabi ko na lang.. "dun sa may agham"... xP

9:30 am... dumating na ko sa school... walang magawa kse wala pa pala yung mga tao... tas biglang tumunog ang cellphone ko... bwiset... wla na pala akong bat... grrrerer.... >:0 ... tapos.. naglibot-libot muna ako sa school kse nga wala pang tao... err... tapos dumaan akong property office.. tas nakita ko si jopet [whoa.] ... ang galing.. enrollment pala ng first years.. tas si jopet naman nagccommunity service doon sa property... hehe.. tas yun. nagkaroon ng sandaling break si jopet.. at naglibot-libot naman kami... tas nalaman ko na lang na magllunch pala si jopet kasama si neil at kev.. so wla lang... gusto kong sumama kaya lang baka magstart na yung shooting... tsss...

12:00 pm... tapos na si jopet sa service nya... pero wala pa ring nangyayari sa kin at sa shooting [baboy.. medyo 9:30 pa ko nasa school x__x] ... so sumama na lang ako sa kanya for lunch... pumunta kami sa mcdo ka katipunan [na inakala kong hindi nag-eexist]. doon kami nagmeet.. tas yun.. sumakay na kami ni jopet sa sasakyan ni kev at nandoon na si neil at unexpectedly, si belley... tas pumunta na kami sa libis... at doon sa 'ramen house' thing ewan... arr.. well. lahat kami nag-order ng ramen except belley... [tas tinawag siya nila kev na loser] hahaha... err.. tas habang inaantay yung food nag-usap-usap muna sila.. tas grr.. op ako kse di ko gets yung pinag-uusapan nila... ack. tawa na lang ako minsan... tas umabot na sa point namention ni neil na may bagsak ako... grr... ayoko na ngang maalala yun eh... x__X... pero owell... joke joke lang nman eh.. haha.. tas nun.. kumain na kami.. tas ang laki pala nung thing... pero ang labo.. naging half-filled lang talaga ako pagkatapos kong kumain.. tas nun.. lahat kami tapos na except si belley.. err.. mas konti na nga yung food nya eh.. haha.. tas sabi pa nya na matagal maubos ang ramen.. well.. lahat kami tapos na... haha.. labo... tas kinuha na yung bill.. err.. mine only costs 185 pesos tas... nagbigay ako ng 300 para sa buong bill... tas yung nabalik lang sa kin 50... [wat!?] ang labo tlga nun... tas manonood pa pala silang lahat kaya babalik na lang ako ng pisay kse baka nagsimula na yung shooting... pero may problem.... nasa libis pala ako.. at di ko alam yung sasakyan papuntang pisay.... haii... buti na lang alam ni jopet.. so yun. inexplain nya kung pano kung pumunta sa pisay... well.. di ko na-gets sa umpisa... pero medyo naintindihan ko na rin naman sa huli... so yun.. i bid farewell na sa kanila.. at sumakay na ko ng jeep papuntang cubao... grrr.. tas yun pagbaba ko hindi ko alam kung nasaan yung mrt... so nagtanong ako sa isang guard... tapos nun... naligaw pa ko nang konti.. pero buti na lang pala nagkaroon ng cesium bleh bleh dati... haha.. kasi noon nalaman ko yung daan papuntang mrt... haha... tas ang sinabi sa kin ni jopet. sumakay ako papuntang monumento... at hindi sa papuntang taft... well... may sign nga naman doon sa mrt... tas yun.. mahaba yung pila sa ticket/card thing... baboy... sobrang nagmamadali na talaga ako... tas umabot na ako ticket/card thing at kumuha na ng card thing... tas sobrang madali ko. hindi ko napansin na dumaan pala dapat ako sa left instead na right.. well. di ko napansin agad yun... tapos napansin ko na lang nung nasa next station na ko.. sabi ni jopet dapat yung next station ay 'gma-kamuning'... well hindi yun yung nakalagay sa sign... so naalala ko na lang na sa maling direction pala ako pumupunta... grr.. so baba agad ako ng train at pumunta sa kabilang side... bwiset.. ang dami ko nang nasayang na pera at oras.. at energy... kaya yung bumili na naman ako ng card thing at sumakay ng train... bumaba na ako sa quezon ave. station... tas sumakay sa isang pedicab papuntang pisay.... -___-

2:30 pm... nakarating na ko sa pisay... at guess what... wala pa ring nangyayari sa buhay ko... well.. may shooting na pero wala pa yung ksama kami...

3:00 pm.. dumating na yung ibang kasama ko... tas nalaman ko na lang sa kanila na 3:00 pa pala talaga magsstart yung shooting namin... tas yun... baka nagtext nga sa akin... pero wala na talaga akong battery sa cellphone.. grabe... 7 hours na kong walang ginagawa...

6:00 pm...10 hours na kong walang ginagawa/nagagawa.... pinakain na kami ng dinner... pagkatapos namin kumain... well.. nag-usap-usap na yung mga ksama ko tungkol sa iba ibang bagay... well... yung una, tungkol dun sa iba ibang products ng home shopping network etc... tas tungkol naman sa movies... grar... well.. masaya yung naging usapan.. :D

7:00 pm...11 hours na kong walang ginagawa... sa wakas... tinawag na kami papuntang avr sa astb... may gagawin na rin ako... haha... :D ....so yun.. nagshooting na kme...

12:00 am... natapos na rin ang shooting... arr... tas wala na pala akong sasakyang jeep dahil nga sobrang gabi na... ack.. so nakisabay na lang ako hanggang sta lucia para doon na lang ako sasakay pauwi... well... pagkaabot ko doon... wala na yung mga sinasakyan kong fx pauwi... bwiset... di ko talaga alam gagawin ko nung time na yun... >:| ... tapos buti na lang nagkaroon na ko ng pera sa shooting.. haii.. kaya nagtaxi na lang ako... tas yun.. buti na lang walang traffic kaya di masyadong mahal yung bayad ko... hehe...

1:00 am... nakarating na ko sa bahay... buti na lang may susi ako... haii.. what a day.. so yun... pagkadating ko natulog agad ako.. x___X

gee... so yun... ang bwiset ng araw na yun... pero wala... maganda rin na nagkaroon ako ng experience na katulad nito... :D

1:50 PM