image
image image image image
Sunday, November 25, 2007
rare. rear. are. ear. era

to start this post... uhm.. ikkwento ko yung nangyari kahapon....

so nagsimula ang lahat papunta na kong school para dun sa muon thing... well, yung napagusapang time ay 12:00.. well guess what... nakarating ako ng 12:40.... grabe... at obviously, wala na sila doon at nasa trinoma na.. so pinuntahan ko muna yung str nmen tapos hinalo ko yung fertilizer nmen... tas yun.... nakita ko rin pala si maricris sa front lob.. gumagawa ng hw.... sa math. galing sya sa mapua entrance exam... tapos hindi sya pinayagan na pumunta sa muon kaya sya nasa pisay...

so yun.. nagpedicab na lang ako papuntang trinoma.. tapos nasa food court daw sila kaya pumunta naman ako.. tas nakita ko na sila... kumakain. tas kumain na lang ako ng ice cream.. wee..

tapos yun... bumili kami ng ticket para sa movie... tapos nagtimezone muna kami sandali para habang hinihintay yung start ng movie... tapos wala... naglaro lang ako ng house of the dead 4.. kakampi ko si beila... tapos nanood na nga kami ng movie... one more chance.

well.. masasabi ko lang sa movie, uhh... ayos lang sya for a local movie... hehe.. kse.. may mga fun na parts... kahit na love, tragic movie sya... well... ksi nman.. hindi ako makarelate sa mga nangyayari dun kahit alam ko yung nangyayari nga.... tapos grabe... naiyak si marla.. grabe... kahit na pinilit kong umiyak na lang din dun sa part na yun... well.. hindi tlga kaya... kse di ko nman alam kung bket ako iiyak... grabe.. basta... naenjoy ko lang sa movie yung mga nakakatawang part..hehe

so yun... nagpapicture kmi pagkatapos ng movie... ang daming dumagdag na tao after/during nung movie.. hehe.. tapos wla lang. lagpas half na ng class yung nandon... tas yun nga. nagpapicture kme... then pumuntang dairy queen... tapos hindi ko pa rin gets yung gustong magawa nung blizzard thing... yung upside-down scheme nila... grabe.. di ko makuha yung point nun... well anyway.. umalis na kami ni cris ng trinoma dahil sabi nya pupunta pa sya sa isang fair at kelangan nya ng kasama magcommute... then.....

so yun nga. lumabas na kami ng trinoma papuntang sm north... well.. naglakad kami ng malayo para lang makita nmin na may mahabang line dun sa pilahan ng jeep... so.. sinabi na lang ni cris na magtaxi na lang kami.. tapos madali kumuha ng taxi sa trinoma... so bumalik kami doon..... walking.

then nakakita na nga kami ng taxi... then sabi ni cris na sabihin ko sa driver na lrt santolan... yea. so yun nga yung sinabi ko...

along the way... well, dumaan pa sya ng agham road, pero wala naman akong nakitang mali doon... then pagdating doon sa may intersection, uh, nagleft yung driver papuntang quezon ave... well... di naman ako masyadong nagulat... kasi akala ko way yun papunta dun sa lrt santolan na sinasabi ni cris... so yun.. walang kibo lang kami... tapos may nakita akong sign sa taas namin along the road.. nakalagay 'crame'.. tapos ako... medyo kinakabahan na... tapos biglang nagstop na lang yung driver sa tapat ng isang train station... may nakita akong santolan pero alam ko hindi yun yung pupuntahan namin dapat... tapos yun pala. sabi ng driver.. akala nya yung sinabi ko ay mrt santolan... grabe... nainis na ko sa point na yun.. kasi naman... bigla na lang kaming dinala sa isang napakalayong lugar... tapos instead na dalhin kami sa lrt santolan mismo, dinala na lang nya kami sa isang lrt station na dinadaanan ng same train dun sa lrt santolan... grabe... magtrain na lang daw kami... grabe... pero wala din naman kaming magagawa.. so naasar na lang kami. haha

tapos yun. binaba na nga kami sa isang lrt somewhere station... tapos yun start kami ni cris ng isang adventure.... well.. madali lang nman magtrain... pero yung fact na magttrain dapat kami kung kelan may taxi na kami... well.. naiinis ako dun..

tapos nakababa na kami dun sa lrt santolan.. well. at least dun.. alam ko na kung nasaan ako... then, naghanap na kami ng pwedeng masakayan na jeep.. well. guess what.. merong flood ng people... kasama na sa road na naghihintay ng jeep.. tapos lahat ng mga jeep na dumadaan ay puno na... grabe.. saya... so nagbalak na naman kami na kumuha ng taxi... well. no hope... wala ring nakitang taxi na available.. so tinawagan na lang ni cris yung mom nya kung pwedeng isundo na lang kami doon... kaya yun... kumain muna kami ng burger at waffle... tapos uminom ng c2 at softdrinks doon sa loob ng station... tapos nagusap kami tungkol sa mga stuff... basta... super bonding.. grabe... habang naghihintay... tapos habang naguusap doon sa may sidewalk, may mga children na hiningi sa min yung c2 nmen.. well.. una muna kay cris... tapos wala lang.. bigla na lang nmen napagusapan kung ano gagawin nmen kung may isa pang dumating sa min na bata... well. ako ayos na ko kung babasagan sya ng bote ng coke sa ulo.... pero si cris gusto nya itutulak nya papunta sa road kung may mabilis na car na dadaan.. hehe.

then.. nalaman ko na lang through cris na hindi na aabot yung mom nya dahil sa super traffic... so.. sabi sa kanya... maglakad na lang kami papunta dun sa part na wala nang traffic... doon lagpas pa ng sta lucia... so naglakad nga kami... well.. naging ayos lang sya... until.. meron pang dumating na adventure... bigla na lang may taong nagpapatulak ng van nila habang dumadaan kami... well.. tumulong naman kami.. pero wala lang... napakaunexpected lang nun...

well. finally.. nakaabot din kami dun sa mom ni cris... tapos yun...tapos na yung part na sasamahan ko sya... tapos babalik na kong robinsons para magfx na pauwi... well.. hindi masyadong surprisingly, maraming tao na nakapila sa fx.... as in marami... walang chance na makuwi ako kung ganon... kaya naghanap ako ng alternative... well.. may jeep na pumupuntang bayan doon sa kabilang side ng marcos highway... kaya yun... pumunta pa kong bayan... tapos naglakad pa ulit.... tapos yun.. nakahanap na ko ng jeep pauwi... at nagtricycle.... tapos yun... nakauwi na ko at last..

pero nakakatawa/nakakainis lang isipin na nangyari lang lahat ng yun dahil lang sa isang misunderstanding ng isang driver ng taxi... grabe... at umalis pala kami ng trinoma ng mga 5:00 ng hapon... tapos nakauwi na ko ng mga bandang 9... grabe... ibang klase tlga yung araw na yun..

4:33 PM