Tuesday, July 29, 2008
Don't want to close my eyes
ayaw ko pa munang matulog. haha.. masyadong fun tong araw na to para tulugan ko na agad.. at well.. ikkwento ko pala muna yung mga nangyari sa buhay ko nung saturday.. [kahit na medyo wala syang kinalaman sa araw na to].. haha
nung saturday, pumunta akong trinoma para sa isang lakad bago umalis si jomo. pagkadating ko doon sa meeting place, nakita ko lang sina hani at aiki.. so naisip ko, 'tuloy ba talaga yung lakad? :0' kaya tinanong ko kung may darating pa ba.. well.. meron pa naman daw sabi ni organizer hani ho. tapos yun.. nag-antay kami sa food choices.. tas dumating si kev.. tas dumating na rin sina jomo at carmina... tas dumating si neil... [puro antay lang. rar.] .. tas dumating si laarni, si jon, si marla, si jestine, si rose anne... tas dumaan sina steph at ian.. hmm...
tapos yun.. naglunch kami.. [at meron na palang mga naglunch na.. rar.. dapat kumain na lang pala muna ako. T_T].. tapos nanood kami ng movie.. [well. may mga umalis na pala bago yung movie. =/].. pinanood namin yung The Bank Job.. hmm.. ok lang naman.. hehe.. may mga parts lang na di ko magets.. haha.. pero ok lang.. nagustuhan ko naman yung movie. =D ok.. so pagkatapos ng movie, may mga umalis pang people [ata]... tapos.. uh.. pumunta pala kaming timezone arena.. tas naglaro kami ng dancec maniacs [yun ba yun] ni herbert ho... tas wala lang.. ang bano ko.. haha. grabe... pero ok lang. fun naman eh. T_T .. hmm. tapos naglaro din pala kami ni neil ng air hockey.. well.. ang final score namin a 4-4.. tas wala nang air. pero bago pa yun.. nagkaron ako ng isang goal na hindi na-count ng machine.. rar. anyway. at least naging fun naman.. hehe. >D
hm. tapos magtimezone, pumunta kaming landmark foodcourt para "tumambay" [what] at kumain na rin ng dinner.. well. yun. kumain lang kami ng dinner. T_T
tapos nagtaxi kami papunta kina marla.. naghati kaming lahat sa dalawang taxi.. kasama ko sina hani, neil, at non. tas wala lang.. fun yung trip in some way.. kasi hindi namin alam yung location ng pupuntahan namen. xD
sa bahay ni marla.. well birthday pala ng kapatid nya. tas yun.. pumasok muna kami.. at yung iba ng pasta tas may kumain din ng cake [ick]... hm.. tas bumaba kami sa parang basement yata nila marla.. tapos naglaro kami ng bridge, table tennis,.. ever.. basta... tapos naligo ako... umakyat na kami doon sa dining room kasi doon kami matutulog. =D haha.. tapos bago matulog, nanood muna kami ng movie.. well nakalimutan ko yung title ng french movie na yun... hmm.. err. cute [tama ba] naman yun movie... wala.. nakakatawa na ewan.. pero hindi sya comedy eh.. haha.. basta. weird..
tapos pala naglaro muna kami ng super smash bros brawl.. ulet.. wala lang.. nakaka-miss eh.. haha. saya kasi laruin yun eh. >D hmmm. tapos natulog na kaming lahat. hahaha.. tapos the next day... uwian na. yun lang. T_T breakfast pa pala bago yun.
ok.. so kanina naman.. haha.
well. wala... masaya lang ako.. ewan.. parang excited na ewan. wahaha.
9:42 PM