Sunday, February 18, 2007
:D
ang galing talaga... kagabi kasi.... ang daming taong nagtransform talaga... grabe... ibang klase.. parang yung mga araw-araw kong nakikitang people around me, nakita ko na naman sa isang weekend night tapos nakasuot sila ng gown/suit... wala lang.. ang cute..
so yun nga... prom kagabi... parang ewan lang ngayong tapos na.. parang walang nangyari.. parang isang malaking dream lang yung kagabi... parang isang movie lang na napanood ko kagabi yung nangyari...
kaya lang hindi ganun eh..
totoong nagkaroon ng prom sa edsa shang ang 08 at 07... totoong nagkaroon ng dinner ang buong table namin nang sama-sama... well.. medyo late si abbi.. hehe.. pero ganun na rin yun... tapos habang kumakain nanood kami ng movie na ginawa na naman ni tami.. galing nya talaga.. hehe..
totoong nagpresent na kami ng cotillion sa harap ng mga tao.. grabe.. nung unang part nangingig pa yung legs ko na parang ewan.. buti na lang nawala din... tapos ang liit bigla ng dance floor. sabi ng d.i. maluwag pa raw sa gym yung dance floor... pero what!?!... hehe.. pero at least tapos na rin yun at nagkabunga na rin yung halos 4 months ng practices...
totoong nagkaroon ng picture taking... well. all-in yung kinuha ko... ang haba ng pila.. grabe.. tapos ang gulo pa ng system ng pagpipicture take... buti na lang medyo maaga pa ako pumila.... nagpapicture muna kami ni jelle para dun sa date pic.. tapos nagpakuha na ako ng solo pics... tapos nagpapicture kami ng 'barkada' ko para barkada pic... tapos kasama si sir espinas dun sa una... tapos si sir mardan naman doon sa next...
totoo ring nagkaroon ng dance sa dance floor.. as in yung formal dance... tapos wala lang.. ang saya.. promise... first time kong magkaroon ng isang partner at sumayaw sa gitna ng dance floor.. well. nagsimula ksi kme dun sa may gilid lang.. tapos nag-adventure kme papunta sa gitna... hehe.. grabe.. ang fun pala ng ganun.. fun in a way na silently excited ako sa mga nangyayari... basta.. ganun..
natapos na ang prom nung tinapos na yung last song ng dance... tapos umuwi na ako... pero gusto ko pa naman sanang mag-stay.. kaya lang wala na palang mga tao...
tapos yun, pagkauwi ko sa bahay nanghihinayang akong tanggalin yung suot ko.. kse sobrang minsan lang akong magsuot ng suit... well.. anyway, tinanggal ko na nga.. tapos nakatulog agad ako sa bed ko.. ugh.. tapos yun nga. pagkagising ko, akala ko dream lang yung lahat ng nangyari...
10:57 AM