Thursday, October 16, 2008
posting 101
congratulations to myself!! haha.. this will be my 101st post in this weblog. o yey. n_n haha. grabe. ngayon ko lang napansin... yung last post ko pala yung 100th ko... and yea it was my very special birthday post. T__T grabe talaga.. di ko alam.. haha. o well.. ngayon alam ko na.. wahehe >=D
oh it seems like yesterday... like it's just about to happen in a flashback. [what T_T]
......
grabe. nagsimula ang lahat ng to sa isang requirement para sa com sci 3 nung third year sa pisay... haha.. and that was with cesium[the best 08(?)]... haha. kailangan daw kasi sabi ni sir bingcang na gumawa at magmaintain kami ng weblog para sa grade sa com sci.. tas ewan ko kung bakit.. pero marami rin namang gumawa.. haha.. tas sabi pa nya ata na kelangan daw sa blogspot.. hehe ang arte. =P o well. so yun.. gumawa kaming lahat ng kanya-kanya naming weblogs.. tas meron din palang mga tao na meron na dati pa at pwede naman daw yun.. so.. yun.. haha..
so di ko pa masyadong inayos yung paggawa ko ng posts dito.. kasi meron pa ata akong isa pang blog na ginagawan talaga ng posts at inaayos... so pacheapshot-cheapshot lang ako sa umpisa.. haha. parang mga wala lang posts.. minsan pa nga ginagawa ko minsan sa com sci mismo... eh. wala.. tinatamad pa ata ako nun... haha >=D at kelangan daw basta yata updated at may posts.. hehe..
tapos nung tumagal medyo nagkkwento na ko sa mga nangyayari sa kin.. haha... parang ewan... dalawa blog ko tas ang weird.. ginawa ko ata yun para malagay ko yung different views ko sa mga nangyayari.. so yung isa medyo naging weird na emo na whatever.. haha.. tapos eto wala.. cute na ewan.. T_T
speaking of cute... dumating din pala yung time nagkakaron na ng magagandang templates yung mga blog ng cesium people.. haha.. may mga cute talaga na di mo maintindihan.. haha.. tas may mga tagboards na rin.. hehe.. at well.. cute din nga yun.. =D tapos ang kukulit pa ng lahat sa paglalagay ng mga comments sa tagboard.. at sa mga posts mismo.. haha >=D grabe... haiii. so fun nga yung mga yun... ay tapos naalala ko pa.. everytime na tapos na kong gumawa ng com sci stuff, magbblog-hopping ako... haha. tinitignan ko yung mga bagong posts ng mga kaklase ko.. haha.. kaya siguro meron akong link sa lahat ng blog nila.. o yey.. =P
so tapos... simula noong pinagawa ito hanggang ngayon, well ginagawa ko pa rin tong updated [as much as possible].. haha.. kasi.. ewan.. ay yun... kasi ito ang napili kong blog na babasahin ko paglaki ko.. tas wala... para maalala ko yung stuff na nangyayari sa kin ngayon at nung dati.. haha.. ewan ko ba... at well kaya ito kasi ang weird na talaga nung isa kong blog. wahaha. =P so yun.. at grabe talaga.. umabot na pala ako ng 100 posts.. hehe. di ko namalayan..
.....
ok so that was all for my blog's history... now for
my history. T_T
so ngayon ay ang 3rd day ng first semester break ko sa college.. o yey..
at nagtapos ang lahat nung monday, nung nagsubmit na ko ng blue na may mga sagot ko para sa finals ng math 60.. at nakalimutan kong maglagay ng bonus.. yey. T_T haha.. grabe... tapos yun nag"class picture" kami sa may labas dun sa open space ng math building... hehe.. tapos wala lang.. haha.. pwedeng yun na yung last time na makita ko sila... aww =/ hehe o well.. pwede rin namang hinde.. at well. meron pa namang next sem..
pero grabe. di ko nafeel na hindi man lang naging medyo close ako sa block ko.. ewan ko ba.. siguro kelangan ko ng mas matagal na time na kasama ko sila.. haha... grabe eh... may mga tao pa rin nga doon na hindi ko pa rin kilala eh kahit by face.. magugulat na lang ako na kaklase ko pala sila sa math.. haha... haiii. o well.. so tapos na ang first semester ko sa up. =P
after ng finals, well balak naming pumunta sa "gaz" sa tapat ng casaa.. pero well nakasalubong namin sina jospeh, jules, noel, at jelle... tapos yun... maglulunch daw sila sa treehouse... so sumama na lang ako sa kanila... hehe.. so inantay pa sila jaja at iya kasi sasama rin daw sila.. hmm.. so yun... pumunta na kami sa treehouse.. at hindi ko pa pala napupuntahan yun.. kaya nalaman ko lang na malapit pala yun sa gym.. haha.. =D
so yun... kumain kaming lunch.. tapos nagpicture-picture... tapos usap-usap about stuff.. tas wala.. sobrang fun nun... ewan.. kasi siguro kumakain ako.. at tapos na lahat ng tests ko.. so wala.. stress-free na ko.. haha.. kaya yun.. =D
after maglunch pumunta kami ni joseph sa may casaa at nakita namin sina kenneth at jasper at si daniel lancion... tas ewan... wala nang ibang tao.. sabi ni kenneth umuwi na raw.. aww.. pero o well.. naglaro na lang kami ng cards.. wahaha. tas dumating pala si jules at mitsu.. at wala lang.. naglaro pa kami ng cards... wahahaha..
tapos pumunta kami ni joseph, jules, at jasper sa isang com shop para maglaro ng dota.. haha.. pero ewan.. di naman ako marunong.... hehe.. pero o well. since wala na naman akong classes at wala akong magawa, sumama na lang nga ako... haha. pumunta pa kami sa isang com shop na malapit kina joseph.. hehe.. tapos yun.. naglaro kami.. pero hindi lang pala dota yung nilaro namin. naglaro din kami ng ibang warcraft games... tapos aliw na aliw si joseph sa tree tag... haha.. pero ewan.. haha.. cute sya pero hindi ako sobrang nasiyahan.. haha... ay tapos habang naglalaro pala kaming apat ng dota, may random four people na nagchallenge sa amin.. haha... sabi namin ayos lang... pero a few minutes later... grabe. dinudurog-durog na lang kami hanggang sa dulo.. haha.. o well.... grabe... at least masaya rin naman maglaro.. haha =P at yun... umabot kami ng 4.5 hours na kakalaro... haha. grabe... ang adik. =D
so yun... ang hirap umuwi nung time na yun... at sobrang gabi na.. so nagtaxi na ko pauwi...
so tapos kahapon naman[yea ang bilis]... pumunta ako sa trinoma kasi celebration ng birthday ni rose ann.. tapos yun.. pumunta nga ko dun.. after ko dumaan sa maraming napakabagal na traffic. T__T haha.. so yun nga.. umabot na ko sa yellow cab.. at akala ko kumakain na sila. buti na lang di pa.. haha.. =P at well. akala ko rin konti lang pupunta. biglang ang dami pala.. haha. at may dumating pa. haha... at wala.. fun. n_n tapos nun.. after ng mga usap-usap... pumunta kami sa taas at kumain ng donut. o yey.. haha.. wala lang.. tapos nun nanood kami ng max payne.. dahil sa mahusay na pagkumbinsi ni michael non.. haha.. =P well ok sya para sa kin.. pero i was expecting more.. at si non ay sobrang na-disappoint.. haha.. at nalaman kong game pala yun originally.. haha.. o well.. at least nakanood na kong movie sa sinehan after a long time grabe... at nakakain ako ng popcorn. T_T yey.
tapos yun.. uwian na ulet. =D yehey.
and that concludes my 101st post..
i thank you. bow.
8:46 PM