image
image image image image
Wednesday, May 02, 2007
so... [last may 1 nga...]

yun nga ang nangyari... nagsiuwian na ang mga tao pauwi sa mga bahay nila.
...the end.

well bago yun....

*flashback*

noong day na yun [na hindi ko na maalala kung kelan exactly], pumunta ang isang grupo ng students ng pshs batch o8 sa mga lugar na di nila akalain na magiging b****
...pero in a good way naman...
..so yun... pumunta sina aaron, noel, jelle, adrian, abbi, aldrin, lori, chuck, iya, angel, guio, max, miguel, [hinga. hinga], lorenz, arriane, sophia, kathrin, jose, gama, at alex kasama sina sir espinas, maam dacs, sir javier, at si mang whats-his-name [yung driver ng bus] sa first destination - alaminos, pangasinan...

*flashback pa ulet*

ack... nagdorm pala muna ako the night before... hahaha... yun lang... kasama ko si adrian at si lori... =p tapos first time ko sa annex... weee..

*back doon sa unang flashback*

hmm... nagstopover muna kami sa jollibee [or julibeh sabi ni alex] para magbreakfast... tapos kumain kami ng lunch sa isang ewan na kainan na di ko akalain na meron palang ganon sa tabi...
ack... basta yun... umabot na kami sa alaminos at last after 6 and a half hours of travelling...
hmm. what can i say?.. maayos-ayos pa naman yung first place na pinuntahan namin... air conditioned yung mga rooms sa house na tinuluyan namin... tapos matino pa yung mga cr na katabi ng bawat room.. haaiii... basta yung point may civilization pa doon... hehe..
nung first day namin doon, pumunta yung group ko [ako, sophia, jose, jelle] sa market para mamalengke.. kasama namin si sir espinas at sir sir javier at iba pang volunteering classmates... tapos yun.. namlengke kami for our dinner that day and for breakfast and lunch the next day... haaai... wala lang... gusto ko lang yun sabihin kse yun yung first time kong mamalengke na hindi kasama yung parents ko.... tapos pagkauwi nanood kami ng saw... weee.. fun..

so the next day... pumunta kami sa hundred islands, which is close to the house... well.. pumunta muna kami sa island named governor's island... tumingin kami ng plants and animals doon.. tapos nag-estimate ng island total surface area..... etc...[basta field bio stuff] ... tapos sa romulo island naman.. tapos the same thing ulet ginawa namin... doon, may nagtitinda ng ice cream [????] .. ang galing nga eh... sumasakay sya ng boat para magtinda ng ice cream. hehe.. hmm.. so dun na rin kami naglunch... tapos last doon sa cagao island... well... pagkatapos ng usual observe thing, doon na rin kami nag-liwaliw at naligo... [pero epal. di bumubula yung soap] ... tapos doon na pala kami natulog... tent-mates ko si noel at alex... tas yun... nagdinner pala muna kami tapos nagtapon si aldrin ng rock papunta sa kabilang island tas nagkaroon na yung group nya ng +1... ughh.. tapos natulog na kami...

pagkagising ko.. ginsing na lahat ng iba at nagluluto na yung isang group.. tapos high tide na.. tapos wala lang.. aliw.. ang cute... halos lumulubog na yung ibang islands tapos wala na totally yung ibang islands... hehe.. pagkatapos, nagboat na kmi pabalik sa house...

tapos, doon sa natitira naming days doon, well, nagkaroon ng oral exams...naglaba kami.. etc.. tas umalis na kami papunta sa next destination--bolinao..

ang kaya ko lang sabihin about sa place na yun ay 'mas maganda sa alaminos'... pero ok lang.. naman.. kse ganito... tumuloy kami sa dorm na 4 persons each.. tpos cubicled na yung cr.. parang dorm lang talaga... ack... pero ang mas magandang part doon, well.. may washing machine na unlike sa alaminos...

so yun.. one week kami doon... tas pumupunta-punta kami sa bml [bolinao marine laboratory] para gumawa ng stuff na kelangan para sa field bio... ughh.. tapos minsan pala.. kumain kami doon sa 'aling adora's' eatery or something... basta ganun.. pero masarap naman yung food doon ah... [unlike those s*** na kinakain namin araw-araw na ginagawa ng classmates ko.. e.g. special champorado.] ... hmm... tapos yun...

one day.. pala... well.. nawala kasi yung cards ni alex kaya lori and i decided na bumili ng bagong deck of cards.. hmm.. to our surprise... nung babalik na kami sa meeting place namin, wala na yung bus... uggh.... tapos hinanap namin... tapos nakita namin yun sa road na gumagalaw at nagstop... tumakbo kami para pumunta sa bus at binagalan nang konti kse nagstop na rin yung bus... tapos nung malapit na kami, biglang gumalaw yung bus at umandar palayo.... grrr.. akala namin ni lori sadya yun... haha... pero buti na lang nakasakay kami isang tricycle para habulin yung bus... hehe.. tapos naabutan nga namin yung bus na naman na nakastop.. pero this time, nakasakay na kami... hehehe... tapos yun... para lang sa cards, muntik na kaming di makabalik...

tapos.. nagkaroon pala ng hiwalay na stuff na ginawa yung each group isang araw.... well kami, tinuruan about corals ng isang ex-classmate ni sir espinas.. haha.. tapos ang kulet ni jose about that fact... hmmm.. so yun.. tas nagkaroon kami ng mini-experiment stuff... ack.... tapos yung sa group 5 [alex, iya, noel, gama] napunta yung activity on sea grass... tapos sabi ni alex 'this is SO fun, i don't want to do it again'... haha.. pero feeling ko naman naging masaya din yung naging activity nila kahit papano...
tapos sa gabi nung araw na yun. nagkaroon ng short presentation yung bawat group.. wala lang..

nung time na aalis na kami, medyo nanghihinayang ako at yung ibang people.. well.. kse.. yun na yung last day namin kasama ang civilazation... haha.. sooner or later.. nasa forest na kami... oh well... kelangan eh...


hmmm... inabot kami ng '6 hours' para pumunta sa jest camp... well... umalis kami ng mga 1:30 tapos umabot na kami doon ng mga 8... tss... oh well.. ack... tapos nung dumating na kami, nagset-up na kami ng tents sa may stage thing doon sa loob.. well.. at least di pa naman completely forest yung place na yun...

the next day, bago kami umalis papuntang forest, may nakita akong alkansiya na malaki... haha.. wala lang.. nakita namin yun ni adrian at alex.. at nagbalak kaming bumili nun.... well. pagkabalik...
so yun nga... pumunta na kami sa forest tas nag-ayos... nagset-up ulet ng tents... pero this time unahan na at may bonus ang first, second at third... well.. tatlo lang kami sa tent, so third lang kme... pero ok lang.. haha.. at least may bonus... ack..

so.. yung mga masasabi ko sa forest life..... well... yung only source ng water namin ay yung river na malapit sa camp site... ugghhh... dun na kami kumuha ng water na iinumin, pangluto, panghugas, panligo, etc.... basta dun lang talaga yung water namin... errr.. tas nakabili na naman kami ng raw food na pwedeng lutuin sa forest... well.. may mga tao naman na bumili/nagdala ng lighter.. so nakakagawa pa naman kami ng fire para sa pagluto at para doon sa campfire...

well sa lahat, yung mga maaalala ko sa forest life.... uhh... yung pag-inom ng hot water... [kse ginagawang sterilized yung water galing sa river]... yung paghiga nang walang pillow sa mabatong surface na di malaman kung root or rock yung hinihigaan.. ack.... yung malamig na water ng river na masarap pagliguan [at bumubula na ang sabon]... hahaha... yung paglaro ng cards. minsan kasali yung teachers... tas yung mga adventures na ginawa sa forest... weee...

hmm... after 5 days.. well... kelangan na naming umalis sa buhay gubat at pumunta na sa civilization... aawww.... errr... pumasok yung bus sa forest [???] at doon na kami nagpack ng things para sa pag-uwi...

bumalik muna kami sa jest camp... tas bumili na kami ni adrian at alex ng alkansiya... whoo... tas ang ot namin tignan sa bus... well.. kse.... medyo... may hawak kami na tig-iisang malaking alkansiya na gawa sa kahoy... tas 'nag-eemo mode' kami na ewan... tas bigla na lang kakanta ng weird songs ng boy bands.. tas kung anu-anong videoke songs na kahit ako di ko ma-gets... ughhh.. pero nakatulog din kami after a while.. hehe...

hmm.. gising na kami nung nasa nlex na yung bus... well.. nung pagdating ng bus sa agham road......
'Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?'
ack... parang ewan tlga kaming tatlo nung buong trip.... pero at last. umabot na rin kami sa pisay..

tas yun... pagkababa namin... well.. syempre tuwang tuwa naman kami sa civilization... tas yung iba nababaliw na sa pag-uwi... a basta ganun... hmmm... nung bumaba na kami.. nagbaba na ng stuff sa bus... tas si max pala.. biglang lumapit sa kin at pinakita ang bagong pokemon diamond... ugghhh.. ang daya... haha... meron na agad siya.... oh well....

grar... tapos yun...

*aalis na sa flashback*

well... ang dami pang nangyari after that... hehe...

7:55 PM